hay...di nga nalalayo ang mga araw na ito sa mga araw na nagsilbing bakasyon sa mga istudyanteng tulad ko. sa bagay naman high school pa ako noon nung ngyari ito. pero deja vu nga naman, magkakaruon nanaman ng isang malaking rally daw sa makati. hindi ko masukat kung gaano kalawak ang sakop nito at hangang saan ang trafik na aabutin ko bukas kung may PASOK man o WALA. di ko muna aalisin sa aking isipan ang scenario na magkakaruon ng madugong protesta. alam nyo naman medyo hardcore ako. sana mala 300 na hinagis ni leonidas ang spear kay xerxes, kaya lang ang mga administration ang magbabato ng spear kay lozada para itoy masugatan at matauhan. baka kasi sawa na ang mga nagpapalagay ng pera sa ulo nya at mga nagbabalak kumidnap sa kanya. halata naman kung sino naman ang gagawa nun. siguro ako. asa naman kayo. wala nga akong ganoong kalaking pera na kasing laki ng kukupitin ng gobyerno sa kaban ng ating pondo. ay grabe nga naman ang panahon. wala ba silang pambayad sa kinaen nila sa mga restaurant at kailangan mangupit pa. sana tumutulong na lang ang mga utak na yan at mga pera na yan para sa ikakaunlad ng ating bansa. di ko mawari kung bakit tuwang tuwa ang mga taong kumurupt ng pera natin. saan naman nila kayang itago ang perang yan. dami dami nun. grabe na nga talaga. kami nga sa iskul ay sobrang pera na ang binubuhos namin sa aming pageeskwela para lang makapagaral eh kung tutuusin dapat ito ay nasa normal na pagbabayad lang. siguradong tuwang tuwa ang mga tamad kong magaaral pag nalaman nilang walang pasok bukas. at galit na galit naman ang mga naghihirap na magulang na nagpapaaral sa kanila. kasi hindi nila makuha ang garantiyang sulit ang bayad nila sa eskwelahan na pinagtuituition ang mga anak nila. kung ako, siguro pipiliin ko na lang na walang pasok bukas kasi baka kung ano pang mangyari sa ralling gaganapin sa makati bukas para sa so called "bayani" na si Sir. Jun Lozada. kaya ayon, pero sayang ang baon ko sana meron. hay. ang gulo gulo na talaga sa pilipinas simula pa dati. di ko alam kung kelan ito matatapos at kung saan ang end point ng mga problema at maging solusyon na lahat ito para sa ating ikabubuti. mas gugustuhin ko pang magabroad para malayo at hindi madamay sa problemang ito. kasi ako rin ang maghihirap kung pipilitin kong magbago ang bansang ayaw magbago. wag pilitin nga naman kung ayaw. pero sana kahit onti, magtulong tulong ang sambayanang pilipino na maiangat ang ating bansa laban sa katiwalian, krimen, kurupsyon, at marami pang masamang elementong gumagambala sa yin/yang ng ating bansa. hay..... siguro isang malupit na dasal kay god at magkakaruon dito ng sagot. baka malaglagbigla ang isang libro na sasagot sa ating mga tanong at mapapaayos ang ating buhay sa bansang ito. wala na akong masabi. walastik ang mga politiko at god bless philippines.
Thursday, February 28, 2008
[Opinion] Protesta sa Makati Bukas... OMG!
Posted by Poster at 4:47 PM
Labels: corruption, Government, lozada, makati, News, no classes, pilipinas, rally, walang pasok
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment